Ang Starbucks bow. Isang sikat na coffee store na parang kabuten'g nagsulputan sa ating bansa. Makikita sa halos lahat ng mga malls gaya ng Mall of Asia at Festival Supermall. May mga pwesto din sila sa mga gasoline stations katulad ng Shell at Petron (correct me if i'm wrong). Kakompetensiya ng Tonyong Kapehan, Seattle's Best, Gloria Jeans at Coffee Authority. May iba't ibang uri dito ng kape. Espresso, Latte' at pwede ding icustomize. Mayroon din namang mga fruit shakes gaya ng Mango Passion Fruit. Kakaiba rin ang ambiance dito dahil sa tugtuging may pagka-classic ang dating. (Trivia: Starbucks 6750 ang pinakunang Starbucks sa Pilipinas) oha di moa lam un noh..
Isinulat ko ang walang kwentang post na ito sa kadahilanang nasa starbucks kanina ang aking kaibigan.. at pumasok sa isip ko kung anung uri ng mga tao ang nagkakape sa nasabing kapehan..
Paunawa: ito ay sariling opinyon ng may akda at walang pinapatamaang tao.
1. Gods and Goddesses - mga matataas na tao sa lipunan. Madalas ay ginagawang sariling opisina ang starbucks. Mayaman. Mga dekotse. Kadalasa'y business meeting ang sanhi ng kanilang pagbisita. Kadalasa'y meron mga bodyguards at alalay. May tagapayong , tagapaypay at taga order. Kilala ng lahat ng barista. Kung di mo sila kilala wala ako pake kasi di ko din sila kilala.. hahaha
2. Wi-Fiers - mga tao na kaya nagpupunta sa starbucks ay para makagamit ng wifi. Bagamat may bayad ang access dito, di nila yun alintana. Ang importante'y magawa nilang madownload ang latest single ni Justin Bieber hahaha, maupdate ang kanilang antivirus software, at makapaglogin sa facebook at iupdate ang kanilang status. At para mailabas din ang kanilang mga bagong gadget. Tulad ng nokia C6 at Nokia C3 sama mo na din ang PSP na kulay pula.. hahaha (Paunawa wala akong pinapatamaan dito.)
3. Social Climbers - pilit nagpopormang mayaman. Bibili ng isang Grande, kukuha ng maraming tissue bilang souvenir at pupuwesto sa may tabi na kung saan ay umaasang makikita siya ng kanyang mga kakilala habang umiinom ng very expensive coffee. Kadalasa'y pinapatagal nito ang paginom sa kape para masulit ang kanyang ibinayad.
4. Kaberks - grupo ng mga estudyante, barangay basketball players, skateboarders at mga jejemons na sabay sabay papasok sa Starbucks. Hahanap ng magandang puwesto at magdadaldalan, mag-aasaran at magkakantiyawan. Tropang tropa ang dating. Ang catch, isa lang ang oorder sa kanila at hati-hati na silang lahat.
5. Showbiz Starlets - mga artistang nagsisimula pa lang sa kanilang mga karera pero feeling sikat na. Ayaw magpapicture sa MANGILAN-NGILANG nakakakilala sa kanila. Hindi pa sikat, ma-ere na! Ang nakakatawa, mineral water lang naman ang inoorder sa starbucks.
6. Cosplayers - naruto, bleach, kenshin himura etc. Name it, you got it! halos lahat yata ng anime na pwedeng icosplay ay nagawa na nila. Sila ang agaw atensyon kapag pumasok sa Starbucks dahil sa kanilang mga costumes. Mas pinagkakaguluhan pa kesa sa number.
7. Call Center Peepz - ang mga tao'ng kailangan lagi ng kape para magising at aktibo sa trabaho. Nabrand na sila bilang mga young urban professionals na pagkalalaki ng sweldo. Alam na alam mo na sa call center sila nagtatrabaho dahil sa kanilang porma: madalas may jacket o kumot dahil sa parang freezer ang lamig ng kanilang opisina.
Gaya ng dati, ang mga nabanggit ay base lamang sa aking mga nasaksihan sa ilang branches na aking napuntahan. Kung Isa ka sa mga nabanggit ay wala akong pakealam.. hahaha dahil buhay mo yan.. gawin mo lang kung anu gusto mong gawin.. :)
Sabi nga ni Kara David na nagpaparinig sa isang news program, "Bato - bato sa langit, ang tamaan wag magagalit".