There was an error in this gadget

Sunday, January 16, 2011

2 200 NonSense Facts About Me

1• pihikan ako pero hobby ko na ang kumain ng kumain.
2• mahilig akong maglaro sa net pero wala akong idea kung pano nilalaro ang dota.
3• hindi ako nakakatulog kapag hindi ako dumudumi.
4• mahilig ako sa music pero hindi ako biniyayaan ng boses sa pagkanta.
5• palagi kong iniimagine na magaling akong sumayaw. (dahil hanggang dun lang kaya ko)
6• gusto kong maging piloto pero hindi ako pinanganak na mayaman.. :(
7• piling gulay lang ang aking kinakain.
8• paborito kong pang ubos oras ang manuod.
9• ayoko sa amoy ng bagoong. hindi ako kumakain nun.
10• ayaw kong nag iisa ako.
11• hindi ako nagsasawsaw sa suka at toyo.
12• tumatalon ako tuwing bagong taon. umaasang tumangkad pa ko dahil 5'9" lang ako.
13• hindi ko gusto ang harry potter.
14• naglalaway parin ako matulog minsan. (wag kang tumawa dahil alam ko ikaw din) :)
15• gusto ko makapunta sa MT Fuji.
16• paborito ko ang color black.
17• Hindi ako magaling mag drawing.
18• every other day kung magshampoo ako ng buhok.
19• mas gusto ko ang madilim.
20• hindi pako nakakasakay ng barko. bangka pa lang.
21• nagkaron ako ng bosch na cellphone nung grade 5.
22• pag kumakain, ayoko yung nagkakahalo halo yung mga ulam ko. one at a time.
23• nakapag cut nako ng klase nung highschool.
24• paborito ko ang royal tapos partner ng tortillas na cheese flavor.
25• hindi ko maintindihan yung larong mafia wars sa fb.
26• napagtripan nakong pakainin ng isang buong sili nung kinder plang ako.
27• pala utot ako. pero walang amoy..
28• mahilig ako sa iced tea.
29• lagi akong inaantok.
30• pagnagkaron ako ng sariling alagang unggoy gusto kong pangalan nya ay "turtle".
31• hindi pako nagkakabulutong at tigdas pati na din beke.
32• nung bata pako pinangarap kong maging kaliwete.
33• naranasan ko ng maligaw sa mall.
34• grade 6 nako nung huling napaihi ako sa kama.
35• kahit kelan hindi ko nagustuhan ang kulay white.
36• kaya kong pagalawin ang tenga ko.
37• naranasan ko ng mamatayan ng mahal sa buhay.
38• *muntikan akong mapatalsik sa school dahil pumasok ako sa campus ng lasing.
39• hindi ako mahilig magbasa ng mga librong nobela.
40• ayoko ng mayonnaise.
41• gusto ko magpabrace ng ngipin.
42• namimiss ko ng suutin yung mga damit na sinusuot ko dati nung payat pa ako.
43• hindi ako mahilig magpapicture.
44• gusto kong matutong lumangoy.
45• top 1 ako sa school nung nursery.
46• ayko sa ipis.. mabaho eh..
47• mahilig akong magpatawa kahit na korny minsan..
48• nakahawak at nakabuhat nako ng buhay na ahas.
49• nagiipon ako ng mga pundidong bumbilya nung bata pako.
50• ayoko sa mainit.. pawisin kasi ako.
51• english carabao ako.
52• may inalagaan akong mga itlog ng butiki nung kinder ako.
53• napagbintangan na kong tumae sa klase nung grade 4 ako. ung katabi ko kasi ung tumae..
54• paborito ko ang saging.
55• gusto ko magkaron ng sportscar na ipangkakarera ko.
56• laki ako sa cerelac.
57• meron akong nunal sa itlog.
58• mahina ako sa pagmememorya.
59• naging varsity ako nung 4th yr HS.
60• binibenta ko ang gamit ko pag gusto ko mag upgrade.
61• nung 3rd yr HS ako kaaway ko lagi ung teacher ko sa business management..
62• palagi akong natutulog pag walang ginagawa.
63• pawisin ako.
64• makakalimutin ako minsan.
65• may medal ako nung gumraduate ako nung HS.
66• gusto ko ulit mapanood yung bioman, maskman, ultraman at shaider kasi wala
       nakong maalala sa mga palabas na yan. power rangers nalang ang natatandaan ko.
67• hanggang ngayon hindi parin ako nawawalan ng pagasa na magkakaron ako ng sasakyan.
68• hindi pa ako napalo ng tatay ko.
69• namimiss ko na yung batang ako na palaging nagliliwaliw sa creek.
70• pinaglihi ako sa crosword puzzle.
71• ayokong nagsusulat gamit ang lapis ng walang pambura.
72• Mahilig ako sa gadget.
73• ayaw ng nanay ko na naglalaro ako ng tex dati.
74• mahina ang lungs ko.
75• meron kaming malaking aquarium at maraming ibat ibang isda dati. nagbrown out
       nung gabi, paggising namin kinabukasan patay na lahat.
76• hindi ko pa nararanasang mastock at mastranded sa loob ng elevator.
77• hindi pako nakakasakay ng kalesa.
78• nalaglag nako galing sa bubong.
79• lalong nanlalabo mata ko kakacomputer.
80• ayoko ng roll-on na deodorant.
81• pinilit akong isali noon sa math quiz bee kahit di ko gusto.
82• laging lumpiang shanghai ang una kong hinahanap sa mga handaan.
83• na adik ako sa kakanood ng doraemon dati.
84• gusto ko matuto mag gitara.
85• nabangga ako noon sa tindahan gamit ang motor ng tito ko..
86• pinangarap ko rin na matutong mag drums.
87• nasubukan ko ng mag 1,2,3 sa jeep pero nahuli ako ng driver bago palang ako
       bumaba.
88• nalaglagan ako ng gunting sa kanang paa. nakatayo yung gunting. buti naka iwas ako.
89• wala akong balahibo sa hita.
90• pinalaki kami sa pagtitinda ng nanay ko.
91• ayokong nakakakita ng mga car accidents.
92• Meron pa din akong butas na brief hanggang ngayon.
93• gusto ko magdiet.
94• nakabili ako ng chippy gamit ang play money.
95• napaniwala ako dati na nanganganak ang kisses.
96• nung bata ako, takot sakin yung aso ng kapit bahay namin. binayagan ko kasi minsan.
97• kwento ng nanay ko, nursery ako ng umuwi ako ng bahay galing school ng walng
       underwear. naiwan ko ata sa c.r.
98• naranasan ko ng magpa highlights ng buhok.
99• naging crush ko si camille pratts sa oki dok dati.
100• ginagawa kong parang hugis eroplano yung mga pinagkabit kabit na sipit ng
         sampayan.
101• sinisipsip ko yung nectar ng santan at pagkatapos nun, pagdudugtung dugtungin ko
         lahat ng nasipsip na para gawing kwintas at bracelet.
102• nagkaron ako ng dalawang pellet gun. isang silver at isang gold.
103• umiyak ako nung hindi pumayag ang nanay ko na sa loob ng bahay matulog yung
         napulot kong pusa.
104• hindi ako nagkaron ng gameboy
105• kumain ako ng floorwax nung bata pa ako
106• gusto ko makakita ng multo..
107• napatae ako sa loob ng classroom nung nursery ako.
108• hindi ako kumakain ng chico.
109• may nanuntok saking hindi ko kakilala nung grade school ako sa lugar pa namin.
110• si paolo contis lang ang natatandaan kong character sa Ang TV.
111• nasubukan ko ng magwish sa falling star o bulalakaw. hindi ko alam kung
         nagkatotoo yung winish ko dahil nakalimutan ko n kung ano hiniling ko.
112• Pinilit akong maging varsity nung HS kahit di ko gusto..
113• Sinabihan akong mabaho ng teacher ko nung 3rd HS ako sinabihan ko din sya.
114• marunong akong tumambling.
115• naglalaro ako ng lutu-lutuan nung bata pa ko.
116• nag eenjoy ako tumambay sa mga museums.
117• expression ko ang "weh?" dati.
118• paborito ko ang Side A band dati.
119• naglalaro ako ng bubbles na ginawa sa dinikdik na dahon ng gumamela at tide
         powder.
120• nung bata pako, nagtyatyaga akong magbunot ng puting buhok ng kapit bahay
         namin kapalit ang limang pisong papel na bayad nya sakin.
121• hindi ko kinakain yung taba sa dulo ng barbeque.
122• nasubukan ko ng manigarilyo.
123• naging varsity din ako sa track and field maliban sa basketball.
124• grade 1 nako ng magstop akong dumede sa bote.
125• binubudburan ko ng asin ang bawat lintang nakikita ko.
126• nung elementary ako, meron akong isang kahon na punong puno ng mga sirang
         switch, ibat ibang wire, mga bumbilyang pinapailaw ko gamit ang battery, fuse at
         kung anu anu pang mga gamit electrikal. iniipon ko un lahat.
127• lagi ako naka hubad kung matulog.
128• isa sa mga wishlists ko ngayon ang magkaroon ulit ng gitara.kahit di ako marunong.
129• ayoko ng duhat. pakiramdam ko kumakapal labi ko pag kumakain ako nun.
130• nung bata ako nababanguahan ako sa rugby.
131• hindi ko alam kung kanino ako ng mana.
132• grade 6 pa lang ako marunong na ako mg computer..
133• bangko ako ng sikreto ng mga kaibigan ko. alam kasi nilang makakalimutin ako kya
         hindi nagtatagal ang sikreto nila sakin. ilang araw lang limot ko na.
134• mapride ako.
135• hindi ako marunong magpaikot ng trumpo.
136• nung 4th year highschool ako hindi ako nakaranas mag C.A.T.
137• mahilig ako sa mga lumang kanta.
138• hindi ako nakakatulog ng bukas ang ilaw.
139• never pakong nagkaroon ng original na relo.
140• nabalian ako ng buto sa kaliwang kamay.
141• number 7 ang unang unang numero ng unang unang jersey ko.
142• 10 ang unan ko sa kama.
143•.palaging dumudugo gums ko dati nung bata pa ako..
144• paborito ko ang crispy pata na luto ng nanay ko.
145• nung bata ako pinangarap kong magkaron ng malapad at may second floor na pencil
         case.
146• medyo bingi ako.
147• lagi akong kinakabahan pag magrerecite ako kahit sureball naman ako sa sagot ko.
148• hindi ako kumakain ng sisiw ng balot.
149• nilalagyan ko ng lotion ang paa ko pagka hindi ako makatulog dahil sa lamig.
150• lagi ako pinapagalitan dati ng nanay ko..
151• laging maggie chicken flavor ang almusal ko nung bata pako.
152• hindi pako sumusuka sa loob ng bus.
153• hindi ko naranasan magdorm nung college ako.
154• nung college ako ayko sa lumang PATTS..
155• namimitas ako ng bungang bayabas pero hindi ko naman kinakain.
156• matampuhin ako.
157• pag wala ng lasa yung bubble gum na nginunguya ko, nilalagyan ko yun ng asin dati nung bata ako.
158• napasama ako sa pepsquad nung 3st year highschool ako.
159• naranasan ko ng mangtrip ng doorbell ng kapitbahay tpos biglang tatakbo matapos
         pindutin ng ilang beses yung doorbell.
160• mahilig ako sa laruang lego.
161• wala ng tatalo sa lasa ng ice cream o tsokolateng cookies and cream ang flavor.
162• tumataya ako sa lotto dati sa pagnanais na tumama at magkapera.
163• tapos ko ng basahin ang lahat ng libro ni bob ong.
164• hindi ako mahilig pumorma.
165• hindi ako mahilig mag punta sa disco.
166• mas gusto ko ang tahimik na lugar.
167• pagdating sa pasta, carbonara ang paborito ko.
168• naniniwala akong bawal ituro ng hintuturo ang rainbow.
169• college nako ng makasakay ako ng crosswind..
170• gusto ko maranasang mangisda.
171• ayoko sa lugar na masikip at maraming tao.
172• hindi nako masyado umiinom ng alak ngayon.
173• wala akong alam na magic tricks
174• nabuhusan ako ng kumukulong sabaw ng nilaga sa buong katawan nung 2 years old
         ako. pero wala akong peklat sa katawan ngayon.
175• pikon ako minsan.
176• ayokong pinagmamalaki sarili ko sa ibang tao.
177• matamis ako magtimpla ng juice.
178• gusto ko magcamping.
179• adik ako sa plants versus zombies.
180• hindi ako kumakain ng Sardinas
181• gusto ko ng baril barilan na mga laruan.
182• mabilis akong magduda.
183• makalat ang aking kwarto
184• hindi ko alam ang mga capital ng ibat ibang lugar at bansa.
185• hindi ko naaapreciate ang mga babaeng sobrang daming butas ang tenga at hikaw
         kung saan saang parte ng katawan.
186• gusto ko magkaron ng matchbox collection.
187• ayoko ng strawberry jam.
188• lagi akong on time.
189• perfect ko ang math nung nagentrance exam ako sa school kung saan ako
         gumraduate ng highschool.
190• pangalawa sa pinaka paborito kong prutas ay ang mangga.
191• ayoko ng matigas na saging sa banana que. gusto ko yung super sa over na lambot.
192• bago pa man mauso si edward cullen, gusto kong nababasa ko mga iniisip ng ibang
          tao kung magkakaron man ako ng kapangyarihan.
193• mahilig ako kumain ng mani.
194• naranasan ko ng mapa utot dahil sa kakatawa.
195• na aasar ako sa jejemon
196• iba ang trabaho ko sa tinapos ko.
197• gusto ko pumunta sa kung san san..
198• hindi ako kumakain ng manggang hilaw
199• ilang taon ko na hindi nakakasama tatay ko.
200• Ang tagal kong inisip etong 200 facts about me..

2 comments:

Anonymous said...

Hi! This ροst coulԁ not be wгitten
any bеtteг! Reаdіng this ρoѕt reminԁѕ me of mу good old roοm mate!

He alwaуs κept talking about this.
I will forwarԁ thiѕ writе-uρ to him.
Prеtty sure hе ωill have а good
read. Manу thаnks foг shaгіng!



My blοg post Homes For rent plano

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

Post a Comment