There was an error in this gadget

Sunday, January 16, 2011

0 Ang Cellphone at ang Kolehiyala

This happens last december 18 2010.. Nalala ko lang ang nangyari sakin nung araw na un.. :)  nakasakay ako sa van papuntang alabang.

"Bayad po, Festival Mall. Paki-abot po. Salamat." Narinig ko'ng sabi ng isang estudyante sa aking likuran sabay kalabit sa aking balikat..

Agad ko'ng inabot ang kanyang bayad at ibinigay sa driver ng sinasakyan namin papunta'ng Alabang. Matiyaga ako'ng nag-antay na mapuno ng pasahero ang sasakyan hanggang sa tuluyan na ito'ng umandar.


Dahil sa boring na byahe ay nakinig nalang ako ng music ko sa ipod. At kahit na malakas ang aking music na pinakikinggan ko narinig ko pa din ang excited na boses na isang babae.. hahaha


Napatingin ako sa salamin ng van at aking nakita ang kolehiyalang nakiabot ng bayad na sobrang ingay sa pakikipagusap sa kanyang bago'ng cellphone. Di ko na natiis at pinatay ko na lang ang aking ipod. Noon di'y nakita ko siyang pumindot sa kanyang telepono at nag-antay na may sumagot sa kabilang linya. Hindi naman siya nabigo.


"Hello Ariel! Genelyn to. Oo! Ako nga! May bago na ko'ng cellphone!!! N90! Yeah!!! Save mo number ko ha. It's 0927-264-6***!. Yun nga!. Actually papunta ako sa Festival to shop for clothes. Kadarating lang ng allowance ko from my dad eh. 20k for 2 weeks!!! So paano, text mo ko ha. bye!"


Masyado'ng excited ang dalaga na hindi na nya yata napag-isip-isip na lalabas ang kanyang numero sa screen ng telepono ng kanyang tinawagan dahil sa caller id. Akala ko'y tapos na ang kanyang pagtatawag ngunit muli na naman ito'ng dumial ng mga numero.


"Hello Jessy! Genelyn to. Pupunta ako'ng Festival kasi dumating na yung allowance ko'ng 20k eh. Shopping galore to the max! Ay oo nga pala, save mo to'ng number ko ha. Tapost 3g call tayo. It's 0927-264-6***. Ok? Cgeh, ciao!"


Hindi ko na mabilang kung ilang kaibigan at kamag-anak ang kanyang tinawagan. Hanggang sa bumaba na sya sa festival.. Nakarating na din ako sa aking pupuntahan. Pero hindi ko lubos maisip kung ano ang pumasok sa utak ko at naisipang itext ang babaen'g yon para bigyan ng babala.

"Hi! Pls b cautious n divulging info n pblic."

***beep once tune*** <<< yan tone ko walang paki alamanan.. :)


"Hu u! Wer did u get my #?" reply sakin nung babae..


"Kung masama ako'ng tao, d na sna kta babalaan. Kasakay m k sa fx at dming nakrinig ng nmber mo. Alam k rn n my 20k ka at nsa Festival mall ka. Nxt tym, mag-ingat ka dahil kung iban'g tao ang nakrinig ng mga yan, malamang, nahold up ka na." Sagot ko.


Matapos ko'ng replayan ung babae ay nilagay ko na uli sa bulsa ung cellphone. Mga ilang minuto lamang ang nakakalipas ay muling tumunog ang aking N90 Cellphone!! YEAH!! Hahaha joke.. C3 lang phone ko.. .


"TY ha. Cn u b my txtm8?"


Natawa na lang ako sa kanyang mensahe at di ko na nireplyan… hindi kasi ako nkikipag text sa naka N90!! YEAH!! Hahaha joke..

0 comments:

Post a Comment