There was an error in this gadget

Sunday, January 16, 2011

0 Ang JEJEMON bow



Naalala ko tuloy. Based on Harvey Marcoleta sa column niya sa Philippine Daily Inquirer. He calls their language "Jejenese" and their alphabets as "Jejebet". Hindi naman sa nilalait o dinidiscriminate ko sila pero hindi ba kaartehan yung ganitong salita o text?

"eLoewh pfOehh. Usztah nUah? mHhuaAhhkszz."


Via text message...

Pinsan: ,,..kuya,.. bvaqet woala kha sza bvahay?


Ako: Katarantaduhan yung text mo! Sang planeta ka galing!?


Pagkatapos hindi na nagreply. Nakakairita kasi talaga. Tapos nakakaturn-off yun lalo na sa mga babae. Kelan pa matatapos ang pananalanta ng mga "
Jejemons" dito sa ating lipunan. Mababa na nga yung pagkatao lalo pang pinabababa. Wala ba kayong mga pinag-aralan? Ilang taon ang ginugol ninyo sa elementarya? Pasusyal di naman mayaman. Maarte nga dugyot naman yung kasuotan. Pwede naman na simple lang diba? Hindi yan makakabute sa ating lahat! Bakit? Porke ba ganyan na yung content ng mensahe na itetext ninyo feeling niyo susyal na kayo nun? Pagtatagain ko mga daliri niyo eh! Kaawa awa naman kayong mga nilalalang kayo. Wala na ngang maipagmayabang nagyayabang pa kayo. Lalo na yung mga hindi talaga marunong umintindi! :((

Nakakalungkot din naman yun eh. Hindi ako nagagalit, naaawa lang ako. Kung ikaw ay isang jejemon din na napadpad ng masamang air dito sa kuta ko sana matuto ka na. Hindi nakakadagdag ng sex appeal yan, hindi rin yan nakakaturn-on. Mga kuya at ate magising kayo sa katotohanan! Ganito ang tamang spelling oh. Capital "H" small "e" "l" "l" "o". Ganyan ang tamang spelling ng Hello. Hindi eOw. Baduy saka korni brader and sister. Alam ko wala akong karapatan. Isinilang tayo na pantay pantay. Alam ko may kanya-kanya tayong paniniwala at pananaw sa buhay. Pero sana matuto na kayo. Tao kayo hindi kayo mga alien. Pero kung trying-hard ka at medyo mapurol ang utak mo. Sige, keep up the GOOOOOD work! Patuloy sa mga ginagawa habang patuloy kang pinagtatawanan ng ibang mga tao. Respetuhin ninyo yung mga sarili niyo kung gusto niyong respetuhin kayo ng ibang tao. Hindi kayo deserving para laitin ng ibang tao. May panahon pa. Magbago na kayo. Kahit ako magdadamdam din ako kung ganito yung maririnig ko para sa aking mga kapamilya. Weh? Drama? Hindi!


Para naman dun sa mga grammar nazi o watever they call it. Huwag kayong magmarunong. Hindi kayo perpekto at lalong hindi kayo Diyos. Lahat tayo nagkakamali. Pwede pa naman itama eh. Pero para sainyong mga nagmamarunong. Itigil na ninyo ang kahibangan na yan. Wala kayong mapapala sa pagmamarunong ninyo. Salamat!


0 comments:

Post a Comment