There was an error in this gadget

Sunday, January 16, 2011

0 Group Text Message

Talagang nasusulasok ako dun sa mga "send to all" na texts msgs na ise-send nya sa lahat ng nasa phonebook nya….

Dahil ba Unli or papansin lang talaga sila?

eto ang mga halimbawa:

"hi! good mawnin po seo! kain na!"

lingid sa kaalaman mo halos limang-daan kayong sinendan nya nun!! hahahahaha!! ang yaman ng walangya di’ba? unli eh so imposible nga naman na kahit isa eh walang mag-reply sa kanya, well ayos lang naman siguro yun sa mga walang makausap…

eto na ang nakakainis na parte at medyo awkward na!! (^^,) yung tipong bawat oras eh makakatanggap ka ng message sa taong yun at kinukwento nya ang ginagawa nya at
that very moment, ayos lang sana kung close kayo… eh send to all nga eh! so kahit hindi nya mga ka-close makakatanggap ng text nya, at dinaig pa ang mga *send to 2366* na mga
message sa pag-update sayo!

eto ang grabeng example nyan:
lalake to at mabi-bwisit ka sa spelling!

"hi guys! muxtah?! d2 na nman foe aq xaxhop, la mgawa, jas listening muzic saapple ipod touch 64gb 4th gen mp3 player q!xenxia na kung di foe me maxadonkakareply palague kz bka lowbat nokian80 cel q weh, actually di pa dinme eat sarado pa kz ung japanese restosa tpat ng condo q weh, so e2 im hirlng waiting foe da nyt ready 2 gimikna, oh pano guys, catch u na lng l8rok? peace-out!"

WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! Hindi halatang kulang sya sa pansin di’ba?? aaminin ko sa inyo nung natanggap ko yang message na yan,  Ang nasabi ko lang "WTF??"  hindi ko naman sya tropa eh at hindi kami close, di ko din alam kung saang lupalop ng mundo nya nakuha number ko, pero natawa ako sa text nya eh! isipin mo… kada oras ng mangyayari sa buhay nya ite-text nya sa aming lahat! biktima syempre kaming lahat na nasa phonebook nya… ang matindi pa dyan kumpletong kumpleto nya pa sasabihin kung anong klase ang MP3 PLAYER nya, CELLPHONE nya, pati brand etc. sasabihin nya ginagawa nya sa mga oras na un sayo, KUNG NAGKAKALKAL BA SYA NG IMPEKSYON SA PAA… NAGBUBUNOT NG TUTYANG SA ILONG… Eh ano naman ang pakialam namin??! hahahahaha!! at kunyare Magso-sorry pa Sya sa’yo DAHIL HINDI SYA NAKAKAREPLY SA MGA TEXT MO… hahaha! kaya sabi ko "ADIK KA BA?? NI HINDI NGA KITA TINETEXT, MAG-REPLY PA KAYA?? DINAIG PA NYA ANG ARTISTA sa pag-a-update sayo! ANG KAPAL DIBA?? tapos ng 1 oras BABANAT NA NAMAN SYA:

"eow foe! so e2, d2 lng aq xa xhop! lamgawa, may customer aq knina pewontapoz dn kagad ung gnawa q, afterneto, xhower mna q ha?"

HAHAHAHAHA!! PARANG UTANG NA LOOB MO PA NGAYON SA KANYA DAHIL TINETEXT KA NYA?? EH ANO NAMAN ANG PAKE KO KUNG MALIGO SYA O HINDE?? EH HINDI KO NGA SYA KILALA!!! HAHAHA! BAHALA SYANG MAMAHO SA SHOP NYA! MALALA NA YUNG SAPAK SA ULO NG TAO NA YAN KAYA WAG KAYONG GAGAYA HA??

Sa mga close ko especially kay maria at jade puwede kayo mag GM lol..

0 comments:

Post a Comment