There was an error in this gadget

Sunday, January 16, 2011

0 Mga tips sa pagmo-move on

base on a true story

kumusta mga bataaaaaaaaaaaaaa???! Yan ang pag-greet parang teacher lang..ano bang ginagawa ko dito diba dapat matulog na ko at team panda na din ako kase sa mata kong lubog at maitim..harrr!!! yoko na magtrabahoooo!!!

Anyway, kung nababasa nyo naman ang blog nitong kaututang dila kong si ANTHONY,e mapapansin nyo naman talaga ang kadalasang tema sa blog..korek!! about relationships: para sa mga nagbreak, nasa relasyon, magbbreak pa lang at sa mga gustong main-love..paaaaaaaakk!! kaya pagbibiyan ko kayong lahat..ang mga sasabihin ko e mga simpleng tips lang naman para makapag step forward ka..kahit isang hakbang lang mula sa nakaraan..ito ay base sa mga karanasan at syempre hindi maiiwasang minsan may KATHANG ISIP lamang..hihi!!! pero I assure you (call canter?) na makakatulong din naman or not.. :DDD

Sa totoo lang napakadaling sabihin na: "ONE FINAL LOOK AT THE PAST THEN MOVE ON!!’ kahit lageng sinasabi yan ng trainer namen with matching pivot effect pa, kapag in-apply mo yan sa totoong buhay lalo na kung break up ang pag-uusapan talaga namang parang sasakluban ka ng langit at lupa raised to infinity!! Syet!!..may sinasabi pang kesyo tatawanan mo na lang ang lahat pag tanda mo o kaya naman madame kang matutunan kase galing ka na sa mahirap na sitwasyon..uu naman wala akong kontra,,tama yun pero ang masasabi ko lang,, EFEKKKKKK!!! Hindi madali, kaya wak imbyerna kapatid..lalo na kung na-picture mo na xa na nga talaga ang magiging kasama mo sa altar at maglips to lips matapos sabihin ni father ang powerful na: you may now kiss the bride (diktador ka father!!??) ang hirap kapag sanay kang nanjan lang xa sa tabi mo..never mong maiisip na mawawala xa at may mangyayareng hindi inaasahan tas mapapamura ka na lang at makikita mo na lang ang sarili mo na nagbabarker ng mini bus ng cavite at ng jeep papuntang zapote kabila (and yes guys ginawa ko yan)..bitter na bitter ka sa mga magka-holding hands at sinisigaw na: MAGBBREAK DIN KAYO!!! All caps!! Genun..naransan ko yan guys, hindi ko na sasabihin kung kelan pero nung ***toooott***..pero sabi nga nila past is past pero hindi ako maka-move on minsan..kaya dito ako magdadrama sa blog..wahihi!! joke lang..

Sa mga nakaranas na ng hagupit ng love life hindi naman masama kung bongga kang iiyak as in wagassssssssss!!! Unang buwan hanggang pangalawang buwan lalo na kung maraming taon na ang pinagsamahan nyo..pero kung isang taon na at nakahandusay ka pa din sa sahig na pinag-iwanan sayo, ako na mismo ang babatok sayo..harr!! gaya ng sabi ko kanina magbibigay ako ng mga bonggang tips para sa mga ganitong moments (parang pagluluto lang diba)..

1.     PRAY ~ sabi nga nila (sino kaya sila?) work hard, play harder and pray HARDEST..wala ng mas magandang gamot sa bigat ng loob kundi ang pagppray..hindi ako relihiyosang bata pero never kong nakalimutang magpasalamat sa mga bagay na natatanggap ko,pagkadighay ko at sa lahat ng nararanasan kong maganda o yung kamuka lang ni taniongon (xa pinakapanget nung highschool kami)..

2.    SURROUND YOURSELF WITH PEOPLE WHO LOVE YOU ~ family, friends o kahit sinong ponsyo pilato na nanjan at handang pahiramin ka ng butas nyang white tshirt at short dahil magssleep over ka sa kanila..paghahanda ka ng pagkain kase para kang imbalido sa kakaiyak at kulang na lang subuan ka at ipag-nguya ka na din ng hindi ka mapagod at talagang dadayo ng alabang kahit hindi nya lam ang mga lugar dun tapos ang timano sa kanila pala ang venue ng inuman (for JADE).. yung ililibre ka sa starbucks pagkakita sayo na halos libutin nyo ang lahat ng sulok ng festival mall kakahanap ng starbucks yun pala sarado na, nakapagwork out ka pa tuloy sa mismong gabi ng break up nyo at napunta kayo ng madrigal dahil sa starbucks na yan (for LOU)..yung tipong ipagbibilin ka pa sa mami nya na wag kang gisingin dahil umaga ka na natulog kakaiyak at pinapasalubungan ka pag-uwe (for EJ).. at yung isasama ka sa family reunion sa malayong lugar kahit hindi ka naman myembro ng pamilya para lang hindi ka mag-isa at makahigop ka ng fresh air (for MHAC).. guys, napakahalaga ng pamilya at mga kaibigan..sila ang treasure na hindi kayang palitan kahit ng bagong labas na pera ng banko sentral..

3.    GO AROUND THE WORLD ~ wag magkulong sa apat na sulok ng bahay nyo..magliwaliw ka!! at kung wala kang pera wag ka ng mag-ambisyon na pumunta sa ibang bansa..humigop ng fresh air sa malayong lugar (sa BATANES!!)..katulad ng sm na hindi nyo napuntahan ng ex mo..magpalibre sa mabait mong kaibigan sa CLUB MANILA EAST sa rizal at sumakay sa nakakapagod na kayak at subukang magpicture habang pinapatungan ang baldeng nakita lang sa isang tabi,(mahirap xa in fairness)..makipamilya sa mga pamilya ng kaibigan mo sa ABRA at PANGASINAN at magpapicture ssa tabi ni GABRIELLA SILANG..ihatid sa PHILIPPINE AIRLINES ang kaibigan mong dun nagttrabaho..at magpalibre sa plane ticket sa BORACAY, dun magswimsuit ka at tumuwad (hindi ko papakita yung pic na to,ok), sumakay sa zorb, magreef walk at magpakilala sa henna tattoo artist na si BABY JAPS,isang tarantadong pinoy,talentado pala sori..o kaya magpapicture sa kaibigan mong kamuka ni dan fernandez at sabihin mo sa mga tao na bawal ang lumapit,umattend sa kasal ng kapatid ng kaibigan mo, umakyat ng ANTIPOLO tapos magswimming sa calatagan kinabukasan at uminom ka sa TABI NG AIRPORT kasama ng mga college friends..



4.    SOCIALIZE ~ grabe ang dameng taong pede mong kausapin..sa net lang matataranta ka,magfb at madameng tao jan na masarap pakisamahan, may makikilala kang parehas mong sitwasyon o kaya may magpapakilig sayo kahit bolahan lang o kaya naman makakakilala ka ng taong MAS malala ang sitwasyon at masasabi mong tenkyu Lord ang bait mo sa kin..pamigay mo ang number mo para madame kang katext ka at para maisip mo na hindi lang para sa kanya kaya binili mo ang cp mo..ang pinakahelpful sa kin e yung #TWITTER..kung baga sa kape, xa hindi lang xa 3-in-1 pero all-in 1 xa..as in twitter ang nagsilbing mula diary, best friend, pampatulog hanggang pampalipas oras ko..

5.    REBORN ~ (hindi yung anime ah) ayusin muli ang sarili..umisip ng bagong hairstyle.

magpose ng parang rakista pero mejo seductive ng konti at i-post sa fb para magcomment ang mga friends mo at makita nila kung gano ka kaganda/kagwapo..hayaan mong mabuang ang ex mo kakaisip ng dahilan kung baket ka nya iniwan..hindi porket iniwan ka e wala ng dahilan para maging fabulous..the world is beautiful and so are we.. :DDD

6.     MAKINIG SA MGA LOVE SONGS NA NAKAKA-IN LOVE ~ eto mejo parang kathang isip na lang..pero feel na feel ko nun na inlove ako pag naririnig ko yung kantang WHERE ARE YOU ni Natalie at nung guy na hindi ko lam ang pangalan..sa opm naman yung kanta ni Christian bautista at rachelle ann go yung PAG-IBIG NGA KAYA..feelingerang inlab ako nun, hindi ko lam kung baket..baka baliw lang o naoverdose sa COSSACK blue..nakinig din naman ako ng mga malungkot nung mga unang dalawang linggo..pero parang nagsasawa akong maging malungkot kaya siguro naapply ang MIND OVER MATTER..INLAB AKOOOOOOOOO!!! Genun..hahhha!!!

7.    ENTERTAIN SUITORS ~ waw!!! Yun naman e kung meron..wag mag-imagine ng suitor guys, nakakatakot yan.. "THERE ARE MANY FISHES IN THE SEA..WAG KANG MAGTYAGA SA DILISSSS!!!”- - - yan ang sabi sa kin ng friend ng jowa ko noon.. :DDD i remember the guy at the spa (day dream)..grabe hanggang ngayon hindi ako maka-move on na hindi ko xa pinansin kahit super xa na ang talagang hinahanap ko sa lalaki when it comes to looks..ang gwapo nya talaga pramis yan!!! *super sigh* naiisip ko tuloy pano kung kinausap ko xa at hindi nagsuplada??waw ang haba ng hair ko..syet!!! wag nyong tapakaaaan!!!  But of course, entertain lang naman hindi naman sinabing sunggaban na..paalala lang tapos na po ang recession..ok!!! kaya hinay-hinay lang..wag magmadali para hindi masaktan agad ULET..i-enjoy nyo lang ang feeling na may taong nagbibigay ng importance sa inyo in that manner, na hindi lang ang ex nyo ang tanging source ng pagiging fresh mo sa umaga at kilig to the bones..GIVE YOURSELF A CHANCE TO FALL IN LOVE AGAIN..

8.    MAGBUSY-BUSY-HAN ~ look for the things that interest you, bukod sa alak at MOBY chocolate..kung malikot ang isip mo try mong magsulat ng blog..kung makati ang paa mo try mong mag-island hopping sa hundred islands, ewan ko lang kung hindi ka mapagod..baka pag natapos mo na yung mga islands nakamove on ka na at may nakita ka pang kapalit..kung malikot ang kamay mo,, wag mong subukan magnakaw, masama yun..dont box yourself!

9.    REDISCOVER ~ mahirap ang isang to lalo na kung napakatagal nyo ng magjowa bago magkahiwalay..rediscover yourself..ano ka ba noon nung wala pa sya, nung hindi mo pa xa kilala? You can find answers by looking back then tell yourself na ok naman ako noon kahit nung wala pa xa,,KAYA KO ULET MAGING OK, KAHIT WALA NA XA..

10.  TRY TO FORGIVE AND ALWAYS BELIEVE ~ hindi ka makaka-move on sa noon kung may nararamdaman kang galet sa isang tao hanggang ngayon..hindi madaling magpatawad lalo na kung 3rd degree burn..walang masama kung mag-aattempt kang magpatawad at least nandun yung idea diba, hindi naman biglaang nangyayare ang lahat, in time mapapatawad mo din xa (yan ang lage kong sinasabi sa sarili ko)..at syempre always believe that there’s someone who’s gonna prove you that LOVE is NOT just about falling hard and getting hurt badly but a WONDERFUL FEELING THAT YOU WOULD LIKE TO HAVE A GRASP OF EVERY NOW AND THEN..fairy tale much? Like I said, love will always find its way to those people who strongly believe..dapat gets nyo yan.. :D

Yan ang aking top 10 tips at sana may natutunan kayo mga bataaaaaaaaa!!..hihi!!! pasenxa na at hindi ko maxado na-elaborate ang mga bagay-bagay..tinitipid ko kase ang space e..baka magalet yung may-ari ng blog kase guest author lang ako..paaaaakk!!! Anyway guys, I hope may napulot kayo sa mga sinulat kong yan..dont worry tama po kayo blog po ito at hindi photo album..

See you later guys..

#princesssarahoffcam now signing off.. :D

0 comments:

Post a Comment